This is a rerun post. I took an oath half a decade ago to re-enter blog entries whenever a blogsite of mine dies and I start a new one. As for "Four Kittens and a Funeral", the kittens have turned to cats now and ideally, funerals are supposed to be forgotten after 40 days.
Killing the Drama Dahan-dahan ang hakbang. Sumisirko ang diwa at halos napasuray siya sa paglalakad. Sa pag-alalay ng isang pamilyar na poste ay napansin niyang binabati na siya ng kanyang tahanan. Bumukas ang pintuan at sumalubong ang kanyang pinakamamahal na asawa, mayroong gumuguhit na ngiting pilit itinatago mula sa mga labi nito. Batid niya ang pag-asa nito lalo na nang hawakan nito ang kanyang braso papasok... Ngunit tumigil siya, at tumindig, pumirmi sa tapat ng pintuan. Ayaw niyang sirain ang kasiyahang iyon ng kanyang pinakamamahal, kahit na hindi nya alam kung ano ang dahilan ng ligayang iyon. Paano niya sasabihin dito ang katotohanang ibinalita ng kanyang doktor? Bahala na, wika niya sa sarili. Aaminin na niya... basta sasabihin niya; "Hon, sorry, imposible talaga tayong magkaanak...baog ako mula pagkabata..." Ngunit bago pa man maibuka ang kanyang bibig, tinabingan ito ng kanyang asawa ng isang mapagmahal na daliri. Kasabay ang isang matamis na ngiti, malambing at marahan nitong sinabi sa kanya: "Hon! Buntis ako!"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment